GANGSTER AT WOMANIZER DAW | Pangulong Duterte, hindi maasahan ang 2 lalaking anak na mag-alaga sa kanya

Manila, Philippines – Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya maaasahan ang dalawang anak niyang lalaki sa pag-aalaga sa kanya kapag siya ay may sakit lalo’t matanda na siya.

Ayon sa Pangulo – itinuturing niyang ‘gangster’ ang kanyang anak na si dating Davao City Vice Mayor Paolo ‘Polong’ Duterte.

Kinastigo rin ni Duterte ang isa pa niyang anak na si Sebastian o ‘Baste’ bilang ‘womanizer’ o babaero.


Tanging si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio lamang ang kanyang pinagkakatiwalaan.

Aniya, hindi kasya ang kanyang sahod para sa gamot at pagpapaospital sa kanya.

Ginamit ng Pangulo bilang halimbawa ang kanyang mga anak para ipaliwanag ang kanyang paninindigang sagipin ang mga kabataan sa epekto ng iligal na droga.

Sinabi ng Pangulo – walang kabataang mag-aalaga sa kanilang mga magulang kung malululong lang ang mga ito sa droga.

Sa darating na Marso 28, ipagdidiwang ng Pangulo ang kanyang ika-73 taong kaarawan.

Facebook Comments