IWAS ENVIRONMENTAL CRISIS | Senadora Nancy Binay, nais magkaroon ng imbentaryo ng iba pang island destinations sa bansa

Manila, Philippines – Maghahain ng resolusyon si Senator Nancy Binay ang paggawa ng imbentaryo ng iba pang island destinations sa bansa.

Ayon kay Binay, ito ay para matiyak na handa ang mga ito na tumanggap ng mga turista dayuhan man o lokal.

Aniya, sa ganitong paraan ay maiiwasang matulad ang mga island at tourist destination sa kasalukuyang sitwasyon ng Boracay.


Inaasahan namang maglalabas ang Department of Tourism ng kautusan na dapat may waste water treatment facility ang lahat ng hotel at resort sa buong bansa.

Sinabi ng DOT na hindi bibigyan ng accreditation ang mga bagong hotel at resort kung walang waste water treatment facility.

Habang ang mga kasalukuyang hotel at resort naman ay may anim na buwan para tumalima rito.
<#m_3817944890960240784_m_877858535249908122_m_5075364801399769881_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments