Ngayung buwan ng Septembre, kaliwat kanan ang nagpapahayag ng kanilang pasasalamat at pagkilala sa mga gurong naglaan ng oras para lang mabigyan ng kaalaman ang mga pag asa ng bayan.
Anong klaseng guro si MA’AM AT SIR?
- TERROR – Ito yung mga gurong tingin pa lang mapapatahimik ka na.
- STRICT – Kapag sinabi niyang pass your paper , pass your papers dahil kung hindi lagot ka.
- CRUSH NG CAMPUS – Ito ang mga gurong ang outfit ay pang estudyante. Hindi lang mga estudyante ang nagkakagusto kundi pati kapwa nila guro.
- STORYTELLERS – Mga gurong magkukuwento muna ng karanasan niya bago simulan ang leksyon.
- MAHILIG SA QUIZ/ASSIGNMENT – Ito ang mga gurong inaalam kung nagbabasa ka ba talaga kaya kinabukasan kahit hindi niyo pa natotopic may pa quiz na siya.
- HOKAGE – Ito daw yung mga gurong pa-simple pero mahilig dumiskarte din kapag may pagkakataon. Marami daw nito sa College, totoo kaya?
Kahit anong klaseng guro pa sila, sila ang nagsisilbing bayani natin sa kamangmangan. Kaya ngayong TEACHER’S MONTH kilalanin natin ang kanilang kontribusyon sa ating buhay!
*Photo credited to Google Image*
Facebook Comments