“Ganito kami sa Makati!” estudyante pinakita ang natanggap na libreng gamit

2514
Courtesy Facebook/Jane Sedano

Ipinakita ng isang residente ng Makati City ang natanggap na libreng school supplies at uniporme para sa darating na pasukan.

Galing kay reelectionist mayor Abby Binay ang mga bagong gamit.

Pinasalamatan ni Facebook user Jane Sedano ang incumbent mayor para sa pagmamahal na binibigay sa mga estudyante ng lungsod.

GANITO KAMI SA MAKATI! Upon enrollment eto na ibibigay sa estudyante, yan ang PAGMAMAHAL NI MAYORA ABBY, para sa mga bata at ginhawa para sa mga magulang..may bota at kapote na din yn! FEEL THE LOVE OF MAYORA ABBY #PROUDMAKATIZEN”, mensaheng isinulat ni SedanAo sa kanyang social media account.

Agad nakuha ang atensyon ng netizens sa larawan kanyang ibinahagi. Hiling ng iba, sana gawin rin ito ng mga nakaupong alkalde o gobernor sa kanilang lugar.

Sa ngayon, nasa 23,000 shares at 8,500 likes at comments ang post ni Sedano.

Facebook Comments

From Advertisers