GANTI? | Isang sundalo ang papatayin kada araw, babala ni Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria Sison

Manila, Philippines – Nagbabala ang Communist Party of the Philippines (CPP) na magpapatumba sila ng isang sundalo kada araw.

Ito ay bilang ganti sa desisyon ng gobyerno na ibasura ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) at pagkakaaresto ni National Democratic Front Consultant Rafael Baylosis.

Ayon kay CPP Founder Jose Maria Sison maglulunsad ng opensiba ang mga komunista sa 17 rehiyon sa bansa.


Minaliit naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang banta ni Sison at ipinagmalaki ang patuloy na pagsuko ng mga miyembro na ng New People’s Army at nagbabalik-loob sa Gobyerno.

Isa aniyang kahibangan ang pahayag ni Sison at hindi niya matitiklop ang ating Militar para resolbahin ang mahabang dekadang pangingikil ng mga communist-terrorist sa mga rural communities at pagsasamantala sa mga lumad.

Sa ngayon, nasa 320 NPA members na ang sumuko bitbit ang kanilang mga armas.

Facebook Comments