Garahe ng aktor na si Paolo Contis, ginawang park! Ang dahilan, alamin!

28

Naisipan nang mag-asawang Paolo Contis at LJ Reyes na i-transform ang kanilang garahe sa isang in-house park para sa kanilang anak na si Summer.

Sa latest vlog ni Paolo, sinabi nito na dahil sa mga restriction na dala ng COVID-19 partikular sa mga bata, hindi na nakakapunta ng park si Summer upang maglaro.


Kaya naman, ginawa nilang playground ang kanilang garahe upang kahit nasa bahay ay enjoy pa rin ang kanilang baby girl.

Bukod sa mga out-door na laruan, pinalagyan din ni Paolo ng artificial grass ang in-house park para hindi masaktan si Summer kapag naglalaro.

Masayang-masaya naman ang 2-years old na anak ng aktor nang makita ang surprise sa kanya ng ama.

Facebook Comments