GARBAGE COLLECTION SA DAGUPAN CITY APEKTADO NG MATAAS NA PRESYO NG PETROLYO

Nadoble ang dating ginagastos ng ilang barangay sa Lungsod ng Dagupan pagdating sa pangongolekta ng mga basura.
Ayon sa mga garbage collector dati umaabot lamang sa 300-350 pesos ang kanilang krudo sa isang dump truck pagdating sa paghahakot ng basura ngayon ay nasa 700-750 na ito.
Ayon naman sa waste division team naapektuhan ang kanilang pangongolekta dahil ubos na rin ang kanilang pondo para sa krudo ng mga dump trucks.

Sa ngayon, asahan umano ang delay sa pagkolekta ng mga basura lalo na ang mga barangay na walang sariling dump truck dahil sa kakulangan sa tao at mahal ng krudo. | ifmnews
Facebook Comments