Manila, Philippines – Tiniyak ni Committee on Agriculture and Food chairperson Sen. Cynthia Villar na kanyang bubusisiin ang muling pagsipot ng garlic cartel na sanhi ng pagtaas ng presyo ng bawang ngayon sa lokal na merkado.
Sa inihaing Senate Resolution No. 389 ni sen villar ay nakasaad ang biglaan at hindi makatwriang pagtaas sa P200 kada kilo mula sa P140 kada kilo na presyo ng bawang.
Ayon kay Senator Cynthia, ang pagtaas ng presyo ng bawang ngayon ay katulad ng pangyayari noong 2014 kung saan ang presyo nito sa mahigit P300 kada kilo.
Sabi ni Villar, ang findings noon ay nasa P40 per kilo lang ang bawang galing sa sa Ilocos Norte habang ang imported naman ay P17 per kilo kaya dapat ay hindi lumagpas sa P100 per kilo ang presyo nito sa merkado.
Akala ni senator villar ay natuto na ng leksyon noon ang nasa likod ng kartel ng bawang kayat nakakdismaya na muli na naman silang kumikilos ngayon.
Naging rekomendasyon ni Villar noon ang pagrepaso sa mandato ng National Garlic Action Team na nabigong tiyakin ang stable na supply ng bawang sa bansa at balansehin ang representayon mula sa pamahalaan at mga pribadong sektor.
DZXL558, Grace Mariano