GAS EXPLOSION | Massachusetts, nagdeklara na ng state of emergency

18

Nagdeklara na ng state of emergency ang Massachusetts matapos ang nangyaring gas explosion sa tatlong bayan sa Northern Boston.

Ayon kay Massachusetts Governor Charlie Baker, isang tao ang nasawi habang maraming mga residente ang sapilitang inilikas dahil sa pagsabog.

Mahigit 70 kabahayan rin aniya ang natupok ng apoy dahil sa gas explosion.

Paliwanag naman ni Columbia Gas President Steve Bryant, na isang aksidente ang naganap na insidente.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing pagsabog.

Facebook Comments