Gasolina at Grocery items sa Calayan Island, Paubos na!

49

Cauayan City, Isabela- Paubos na umano ang diesel at gasolina sa Calayan Island, Cagayan dahil sa halos mag isang buwan na walang biyahe ang mga bangka at barko mula sa mainland na naabutan pa ng sunod-sunod na bagyo.

Bukod sa diesel at gasolina ay inaasahang mauubos rin ang mga grocery items kung aabutin ng isang buwan na wala pa ring biyahe ng mga sasakyang pandagat at posibleng hanggang Linggo na lamang ang supply ng mga ito.


Napag-alaman din mula sa Municipal Disaster Risk Reduction Council sa Calayan Island na iilan lamang ang evacuees sa naturang isla na mula sa low lying areas.

Dagdag dito, posible rin umanong masisira ang mga generator kung walang diesel na magpapatakbo at hindi rin maaayos ang mga masisirang kagamitan na nagsusupply ng komunikasyon sa isla kung patuloy na walang supply na darating.

Facebook Comments

From Advertisers