Friday, April 26, 2024

Gasolinahan nasunog dahil sa naiwang bukas na makina ng tricycle

Screenshot captured from Michael Conte's video on Facebook

Natupok ng apoy ang isang gasolinahan sa bayan ng Dapa, sa probinsiya ng Surigao del Norte, noong Sabado ng hapon.

Pinaniniwalaang nag-ugat ang sunog nang hindi patayin ng driver ang makina ng kaniyang tricycle habang nagpapakarga ng gasolina.

Bukod sa tubig, gumamit ng kemikal ang mga bumbero para tuluyan maapula ang apoy.

Idineklarang fire out sa lugar pasado alas-sais ng gabi.

Wala naman naiulat na nasawi o nasaktan sa insidente.

Pumalo sa mahigit isa’t kalahting milyong piso ang halaga ng ari-ariang natupok.


Facebook Comments