Gasolinahan sa Cauayan City, Na-Holdup ng Riding-In-Tandem!

Cauayan City, Isabela – Tinangay ng mga holdaper ang mahigit anim na libong piso mula sa isang gasolinahan sa Purok 1, Sillawit, Cauayan City, pasado alas dos kahapon.

Kinilala ang may-ari ng PCJ Gasoline Station na si Francisco Argonia, animnaput siyam na taong gulang, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng PNP Cauayan ay nabatid na ang mga suspek ay sakay umano ng itim na TMX motorcycle na pawang nakasuot ng itim na helmet.


Sa naging salaysay ni ginang Blandina Argonia na nasa loob ng casher booth sa nasabing gasolinahan nang maganap ang panghoholdap ay una umanong pumarada sa tabi ng booth ang mga suspek kung saan ang angkas na lalaki ang lumapit sa biktima at tinutukan ng hindi malamang klase ng baril at nagdeklara ng holdap kung saan ay nakuha ang nasabing halaga.

Nakasuot umano ang mga suspek ng itim na jacket at maong na pantalon ang isa samantalang itim at stripe na jacket at pantalon naman ang isa pa.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng pagtugis ang kapulisan sa mga holdaper sa naturang gasolinahan.

Facebook Comments