Gasoline boy-Patay matapos maaksidente, 2 backriders-sugatan!

*Naguilian, Isabela- *Patay ang isang gasoline boy habang sugatan ang dalawa pang katao matapos maaksidente sa tulay sa Brgy. Palattao, Naguilian, Isabela.

Kinilala ang nasawi at driver ng motorsiklo na si Mark Aldrin Baligud, 18 anyos, binata, residente ng Brgy. Catalina, Cauayan City, Isabela habang ang dalawang sugatan na magkapatid at backriders ay sina Kristel Assuncion, 16 anyos at Krishel Asuncion, 16 anyos na pawang mga residente ng Brgy. Minanga, Naguilian, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay PO3 Nestor Lorenzo Jr, imbestigador ng PNP Naguilian, habang binabaybay ni Baligud ang nasabing lansangan ay napalingon umano ito sa kanyang likod dahilan ng kanyang pagbangga sa gutter ng tulay.


Sa lakas na impak ng pagkabangga ay nagtamo ng malalalim na sugat sa katawan si Baligud na sanhi ng kanyang agarang pagkamatay habang ang dalawa nitong backriders ay isinugod sa pagamutan para sa kanilang kaukulang lunas.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang motorsiklo para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments