MANILA – Umabot na sa halos P3 Bilyon ang nagastos sa pangangampaniya ng mga tumatakbong Presidente, Bise Presidente at mga Senador kasama ang kanilang partido.Batay sa nakuhang datos ng Philippine Center for Investigative Journalism o PCIJ mula sa Nielsen Media, nasa P2.7 Bilyon ang pinag-sama-samang gastos ng mga kandidato mula February 9 hanggang March 31.Ito ay katumbas ng P54 Milyon na gastos araw-araw o mahigit P2 milyon kada oras.Hindi pa kasama sa nasabing datos ang pre-campaign ads ng mga kandidato na aabot sa P6.7 Bilyon mula March ng nakaraang taon hanggang January 2016 at P800,000 Milyon mula February 1-8 ngayong taon.Sakop ng campaign ads ang mga patalastas sa television, radio, print media kung saan tampok ang mga kandidato.Kaugnay nito – hinimok naman ni Commission On Election Commissioner Louie Guia ang mga kumpaniya ng media na makipagtulungan sa pag-momonitor sa gastos ng pangangampaniya.
Gastos Ng Mga Tumatakbo Sa National Position – Umabot Na Sa Halos Tatlong Bilyong Piso
Facebook Comments