Gastos ng pag-imprenta ng self-modular learning ng pampublikong paaralan, maaaring saluhin ng mga LGU, ayon sa DepEd

Inihayag ng Department of Education (DepEd) na maaaring gamitin ng mga Local Government Unit (LGU) ang kanilang Special Education Fund (SEF) para sa pag-imprenta ng mga self-modular learning na gagamitin para sa pasukan ngayong taon.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, ang bawat LGU sa bansa na bahagi ng kanilang nakokolekta sa real property tax na isang national tax ay napupunta sa SEF.

Sinabi nito na may susundin pa rin silang mga listahan sa kanilang expenses na para lang sa edukasyon na alinsunod naman sa panuntunan ng Department of Budget at Civil Service.


Dagdag pa niya na ang DepEd naman ang tumatayong Chair para sa mga bibilhin o mga gastusin na kasama sa SEF.

Ang pondong ito ang gagamitin sa pagbili ng printing machine at iba pang gastusin sa paggawa ng mga self-modular learning materials na gagamitin para sa School Year 2020-2021.

Facebook Comments