Lalaki, Huli sa Illegal na Baril

28

Cauayan City, Isabela- Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 ang isang lalaki matapos makuhanan ng illegal na baril sa isinilbing search warrant ng mga kasapi ng PNP Benito Soliven sa Brgy. Maluno Norte sa naturang bayan.

Nakilala ang suspek na si Gaspar Billion, 42 taong gulang, may asawa at residente rin sa naturang lugar.

Una rito, isinilbi ang search warrant sa bahay ng suspek na inisyu ni hukom Andrew Barcena ng RTC Branch 17, City of Ilagan, Isabela sa pangunguna ng hepe ng pulisya na si PCapt Glanery Cabeliza.

Sa naturang operasyon ay nadiskubre sa ilalim ng foam ng kama ang isang (1) unit ng Caliber 38 revolver na may kasamang dalawang (2) bala.

Agad na dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek maging ang nakumpiskang baril para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments