Umabot na sa ₱4 billion ang nagugol ng pamahalaan para sa pagtatayo ng mga quarantine at isolation facilities mula ng magsimula ang pandemya.
Sa pulong ng House Committee on Health, sinabi ni Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar na 635 COVID-19 facilities na ang kanilang natapos mula sa target na 720 facilities.
Ang mga pasilidad na ito ay mayroong katumbas na 23,241 total bed capacity.
Sa ngayon ay sinisikap nilang tapusin ang natitira pang COVID-19 facilities sa lalong madaling panahon upang sa gayon ay maiakyat na sa 26,099 ang total bed capacity ng bansa.
Sa apat na bilyong nagastos sa pagtatayo ng mga pasilidad ay kasama rin sa halagang ito ang mga ginastos sa pagtayo rin ng mga off-site dormitories at modular hospitals.