Manila, Philippines — Minaliit ng Malacañang ang pahayag ng Human Rights Watch hinggil sa pinakamalalang krisis sa karapatang pantao na kinakaharap ngayon ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque na “fiction” o gawa-gawa lamang ito.
Nabatid kasi sa World Report 2018 ng grupo, binanatan nila si Pangulong Rodrigo Duterte sa gyera kontra droga ng kanyang administrasyon kung saan pinuna rin nila ang mga banta ng pangulo laban sa media companies.
Dahil dito, sinabi ng grupo na ito na ang “worst human rights crisis” na kinakaharap ng bansa mula noong diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1970s at 1980s.
Tingin din nila na inaakusahan din ni Duterte ang online news site na Rappler na pag-aari ito ng U.S. para sirain umano ang kredibilidad nito.
GAWA-GAWA? | Malacañang, minaliit ang pahayag ng Human Rights Watch hinggil sa pinakamalalang krisis sa karapatang pantao na kinakaharap ng bansa
Facebook Comments