PUNAN ANG BAKANTE | Balasahan sa hanay ng PNP, normal lamang ayon sa tatapagsalita nito

Manila, Philippines — Masusundan pa ang isinagawang balasahan sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Spokesman Chief Superintendent Dionardo Carlos, kailangang mapunan ang mababakanteng posisyon na iiwan ng mga magreretirong opisyal.
Nilinaw naman ni Carlos, regular at normal lamang ang ginagawang pagbalasa sa kanilang hanay kung saan hindi ito nangangahulugan na may kasalanan ang mga opisyal na inilipat ng pwesto.
Aabot sa 40 opisyal ang magsisipag retiro ngayong taon maliban pa ito sa mga nauna nang nagretiro.

Facebook Comments