
Cauayan City – Pormal ng sinimulan kahapon ika-30 ng Marso ang pagdiriwang ng Gawagaway-yan Festival 2025 sa Lungsod ng Cauayan.
Kabilang sa mga aktibidad na isinagawa sa unang araw ng kapistahan ng lungsod ay ang Off-Road Duathlon, Most Outstanding Proud Cauayeños: Natatanging Cauayeño Awards, Mutya ng Cauyan Presentation at, Konsierto para sa mga Proud Cauayeños.
Ang Gawagaway-yan Festival ngayong taon ay magtatagal hanggang sa ika-13 ng Abril.
Iba’t-ibang aktibidad ang nakatakdang maganap sa 2 linggong selebrasyon at kabilang nga rito ang ilan sa mga highlights ng festival kabilang na ang Battle of the Bands, Streetdance and Showdown Competition, Cauayan City Drag Race, Mutya ng Cauayan 2025, at mga concerts.
Maliban dito, magkakaroon rin ng Gawagaway-yan Job Fair kung saan iba’t-ibang mga kumpanya at mga empolyers ang mag-aalok ng oportunidad at trabaho sa mga Cauayeños na nangangailangan nito.
Inaanyayahan naman ang lahat na makiisa at saksihan ang mga aktibidad na nakalatag sa pagdiriwang ng Gawagaway-yan Festival 2025.