
CAUAYAN CITY-Hinihikayat ng Lokal na Pamahalaan ng Cauayan ang publiko na sumali at makiisa sa Gawagaway-yan Off-Road Duathlon na gaganapin sa ika-30 ng Marso, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Gawagaway-yan Festival sa Lungsod ng Cauayan.
Ang mga magpaparehistro para sa aktibidad ay makakatanggap ng mga freebies tulad ng string bag, finisher shirt, at race bib.
Ang mga mananalo naman ay makatatanggap ng premyo at medalya.
Bukod dito, isang gabing libreng camping din sa Hacienda De San Luis ang hatid ng LGU Cauayan para sa mga nakilahok, kung saan kinakailangan lamang nila na magdala ng sariling tent at proof of registration
Facebook Comments