Gawin ang tama, bilin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nagtapos sa PNPA

Sundin lang ang boundary ng parameters legally.

Ito ang kabilin-bilinan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 226 na Alab-Kalis Class of 2022 ng Philippine National Police Academy (PNPA) na nagtapos ngayong araw.

Aniya para sa kanya lahat nang nasa gobyerno ay mga government workers na binabayaran ng mga Pilipino.


Kaya dapat aniyang bawat mga nagtapos ngayong araw sa PNPA ay may maibigay sa bansa.

Bilin pa ng pangulo sa mga nagtapos na mga lalake sa akademya na huwag na huwag raw magkakaroon ng maraming babae.

Dahil magdadala ito sa kanila ng pagkakasangkot sa mga iligal na gawain katulad ng pagkakasangkot sa iligal na droga, sabong at iba pang katiwalian.

Sinabi pa ng pangulo sa mga nagtapos na maging mababait para magkaroon ng payapang buhay.

Si Pangulong Rodrigo Duterte ay panauhing pandangal sa isinagawang 43rd commencement exercises ng PNPA sa Silang Cavite kanina.

Facebook Comments