Peace covenant para sa nalalapit na halalan, nilagdaan ng COMELEC at NGO

Pinangunahan ni Commission on Election (COMELEC) Chairman Saidamen Pangarungan at iba pang opisyal ng poll body ang Inter-Faith Prayer Rally at Peace Covenant Signing kanina sa Bangued, Abra.

Dumalo rin sa aktibidad ang ilang mga kandidato sa Abra, ilang opisyal at kinatawan ng PNP at AFP.

Pinangunahan naman ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting, NAMFREL at iba pa, ang pagsisindi ng unity candle.


Ayon sa COMELEC, layon ng aktibidad na matiyak ang ligtas, mapayapa at malinis na eleksyon, lalo na sa mga lugar na mainit na binabantayan.

Una na ring pinangunahan ng COMELEC ang paglalagda ng peace covenant sa Marawi City, Samar at Quezon Province.

Facebook Comments