“Have a good day!” Madalas nating naririnig o sinasabi ito. Pero gaano tayo katapat sa pagbitiw ng mga salitang ito?
Para sa Globe Rewards, ang “Have a good day!” ay hindi lamang isang pagbati.
Ang “good day” o “GDay” ay gaya ng araw-araw na rewards na pwede nating ma-enjoy at i-share sa iba para makapagbigay saya at makatulong sa mas maraming tao.
Ito ang tema ng taunang selebrasyon ng 917 o Setyembre 17 celebration ng Globe.
Ang 917 ay ang iconic at orihinal na prefix na gamit ng Globe.
“Sa panahong ito na maraming nalulungkot at nahihirapan, patuloy ang Globe Rewards sa paghahanap ng paraan para ma-uplift ang spirit ng aming mga loyal customers at mabigyan sila ng dahilan para ngumiti. Kaya naman marami kaming inihandang exciting na sorpresa para sa kanila,” sabi ni Bianca Wong na Head ng ‘Feel Valued Tribe’ ng Globe.
Buong buwan ng Setyembre ay maraming exciting na events, prizes, at freebies ang pwedeng ma-experience ng Globe subscribers.
Kaya sinisiguro ng Globe Rewards na bawat araw ng buong buwan ay maging isang GDay.
Ngayong taon, gusto rin ng Globe Rewards na maging paraan para makatulong ang bawat isa sa kapwa nating Pilipino na nangangailangan.
Agosto pa lang ay nagsimula na ang mga sorpresa sa pagbubukas ng G Legends Cup, isang amateur gaming tournament kung saan ang magwawaging grupo ay makakakuha ng premyo hindi lamang para sa kanila, kungdi para rin sa kanilang komunidad.
Tuloy-tuloy ang kasiyahan sa buong buwan ng Setyembre para sa mga Globe at TM customers sa inaabangang G Chance the Raffle kung saan araw-araw ay may pwedeng manalo.
At sa Grand Raffle sa ika-20 ng Setyembre, ang mapalad na magwawagi ay makakatanggap ng P1 Million GCash Credits.
Ilulunsad din ang G Summit para sa mga nais matuto ng pagpapalago ng negosyo sa pamamagitan ng digital solutions, at para sa mga mahilig mag-shopping, magaganap ang kauna-unahang G Super Sale na isang exclusive partnership ng Globe at Lazada.
Ang mas pinalaking G Music Fest ay magaganap muli, tanghal ang maraming local at international artists upang maghatid ng saya sa kanilang musika.
Ang layunin ng #GDayEveryday ay nakapaloob sa maikling video na ginawa para hikayatin ang bawat isa na mag-enjoy at magtulungan. Mapapanood sa video kung paano ang kahit na maliliit na bagay gaya ng musika, palaro, at iba-ibang klaseng freebies ay maaaring makagaan sa pang-araw-araw na buhay, lalo na kapag ang mga ito ay ibinabahagi rin sa iba.
Gaya nga ng mensahe ng video, “A good day is better when shared sa iba kasi nag-enjoy ka na, nakatulong ka pa. Mas rewarding ang feeling kung kasama sila, di ba?”
Sa Globe Rewards, Atin ang GDay araw-araw. Ang Rewards ko, para rin sa iyo!
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang https://www.globe.com.ph/rewards.html.
###