Gay couple, naghalikan sa harap ng ‘religious protesters’ sa isang show sa England

Photo: Chester Pride Facebook

“We wanted to stand up for our community rights and our community,” ito ang pahayag ng gay couple matapos umani ng samu’t saring reaksyon matapos maghalikan ang dalawa sa harapan ng anti-gay protesters ng The Rocky Horror Show sa Chester, England, nitong Lunes.

Sina Robert Brookes, 21; at Joe Fergus, 24, ay papunta umano sa nasabing show nang makita ang mga nagpoprotesta sa labas ng Storyhouse Arts centre sa Chester at dito, may ilang mga nakahawak ng placards na may mga nakasulat na bible quotes at verses.

Ang nasabing grupo ay kinabibilangan ng mga churchgoers ng Zion Tabernacle Protestant Evangelical Church, at Penn Free Methodist Church na nagpoprotesta laban sa nasabing show dahil umano sa tema nito na ‘homosexuality’ at ‘crossdressing’.


Sa kabila ng naturang protesta, nagdesisyon ang magkasintahan na tumayo sa mismong harapan ng mga ito at maghalikan.

Marami ang nagsigawan sa pagpapakita ng suporta sa ginawa ng dalawa ngunit mayroon mula sa grupo ang sumigaw ng “Oh that’s lovely. That’s lovely. you’re an abomination!”

Agad namang ipinost ng Chester Pride sa kanilang facebook page ang pangyayari at umani ng maraming opinyon online.

Nang makapanayam ang dalawa, saad nila, “When we arrived, there was lots of shouting between the protesters and audience members waiting outside the theatre.”

Dito raw ay naisip nilang imbis na kilalanin at pansinin ang grupo, tumayo na lang at maghalikan sa harap nito.

Dagdag pa ng dalawa, “We wanted to stand up for our rights and our community and I strongly encourage others to do the same.”

Samantala ang nasabing religious group ay ipinaglalaban na ang naturang show ay ‘unholy, sexual, and offensive to God’.

Tinagurian rin nila ang mga nagpunta sa show na mayroon umanong ‘dirty mind’ at may pahabol pang sabi na, ‘be sure your sin will find you out.’

Sa tweet naman ni Joan Clifton, ang gumanap sa karakter na Janet, sinabi nitong “Love and Rocky Horror will always win”

Pahabol pa niya, “With the protesters! Apparently, according to them we’re all gonna die by Friday because we’re in the Rocky Horror Show!”

Bumalik naman ang nasabing grupo sa pangalawang gabi ng show ngunit sa mga oras na ito, ang ilang miyembro ng LGBT community ay nagdesisyong tumayo.

Samantala, nagpakita naman ng suporta ang Storyhouse sa kanilang tweet.

Facebook Comments