Manila, Philippines – Kasunod ng nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaaresto ang mga kinatawan ng International Criminal Court (ICC) na tutungo dito sa bansa, sinabi ngayon ni Senator Risa Hontiveros na itigil na ng Pangulo ang pag asta tulad ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon sa senadora, wala namang ginawang masama ang kinatawan ng ICC at hindi rin naman ito na involve sa kahit ano mang krimen, kaya at walang rason aniya para ipa- aaresto ito.
Dagdag pa ng Senadora, dapat nang tigilan ng Pangulo ang nga pahayag nito laban sa ICC dahil lalo lamang itong lumalabas na guilty.
Aniya, kung wala naman talaga siyang kasalanan, wala rin naman dapat na ikatakot ang Pangulo.
Matatandaang, sinabi ng Pangulo na ipaaaresto nito ang kinatawan ng ICC na tutungo dito sa bansa, upang magsagawa ng imbestigasyon laban sa sunod-sunod na patayan dahil sa war on drugs ng kasalukuyang administrasyon.