GB to Points promo ng Globe , nagbabalik para sa 917q #GDayEveryday celebration

 

KAUGNAY sa pagdiriwang ng Globe sa 917 Day nito, muling magkakaroon ng opsiyon ang Globe at TM customers na i-convert ang kanilang unused data sa Globe Rewards points mula September 15 hanggang 30, 2021.

Ang 917 ay ang original at iconic prefix ng Globe.

Ipinagdiriwang tuwing September 17, ang selebrasyon ngayong taon ay nakatuon na maranasan ng mga customer ang #GDayEveryday.


Bahagi ng selebrasyon ang pagkakaloob ng Globe sa lahat ng Prepaid, Postpaid, Platinum, TM, at Globe At Home Prepaid WiFi customers nito ng mas maraming paraan para makakuha ng Rewards points nang sa gayon ay higit nilang ma-enjoy ang iba’t ibang GDay activities na nakalinya para sa kanila.

“This 917 GDay, we want to bring extra delight to our customers who have been loyal to us all these years. With the option to convert unused GB to Rewards points, we hope to help them make the most of what they have and also give them more means to share the good with others,” wika ni Bianca Wong, Head ng Globe’s Feel Valued Tribe.

Ang mga points na mare-redeem ay maaaring gamitin para sa discounts at freebies mula sa mga partner ng Globe Rewards, kabilang ang video streaming at gaming platforms, food establishments, online shopping at delivery services, at healthcare offers.

Maaari ring i-donate ang extra points sa alinman sa 15 community partners ng Globe, na may kinalaman sa iba’t ibang adbokasiya mula reforestation, health, education, at iba pa — na pawang makikita sa New Globe One app.

“Converting unused data to Globe Rewards points is converted as 1 GB = 1 point for Prepaid accounts, while on Postpaid, there is a 1 GB = 5 points conversion that can be availed until September 30.Data from promos or plans that have expired can no longer be converted, as well as one-time data offers, data allocated for specific content, and freebie app access.”

Maaari nang i-download ang New GlobeOne App nang LIBRE sa Apple Store at sa Google Play Store.

Sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals (UN SDGs) partikular ang UN SDG No. 9 na nagha-highlight sa mga tungkulin ng imprastraktura at pagbabago bilang kritikal na mga driver ng paglago at pag-unlad ng ekonomiya.

Nakatuon ang Globe na itaguyod ang mga prinsipyo ng UN Global Compact at mag-aambag sa 10 na UN SDGs.

Facebook Comments