GCash, magsisimula nang maningil ng charging fees sa mga bank transfer simula October 1

Simula sa Huwebes, October 1, 2020 ay sisimulan na ng GCash ang paniningil ng charging fees sa mga bank transfer.

Ayon sa pamunuan ng GCash, papayagan nilang makapag-send ng pera ang mga gumagamit ng kanilang application sa kanilang mga kasosyong mga bangko at financial institution.

Sa pahayag ni Bankers Association of the Philippines Head at BPI President Cezar Consing, marami ng bangko ang nagsimula nang maningil sa kanilang online transaction sa pamamagitan ng InstaPay ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).


Pahihintulutan ng InstaPay ang mga kliyente na makapagtransfer ng pera hanggang P50 sa kada transaksyon na make-credit naman direkta sa recipients account sa kahit na anong local bank.

Nabatid na ilang mga local bank ang napiling maghintay ng bayad sa InstaPay at PESONet hanggang sa katapusan ng taon habang nasa gitna ng pandemya.

Facebook Comments