Gcash, pwede ng gamitin pambayad sa mga mabibili sa Mercato Centrale

Manila, Philippines – Magandang balita para sa mahihilig mag food trip!

Hindi niyo na kailangan maglabas ng pera para magbayad sa Mercato Centrale.

Pwede na kasing magbayad sa night food market gamit lamang ang inyong mga smartphones.


Sa bagong feature ng Gcash, makakapagbayad ang sinuman sa pamamagitan lamang ng pag-scan ng Q-R code na nakalagay sa mga stall sa Mercato.

Para magamit ito, kailangan lang i-download ang latest version ng Gcash app sa playstore para sa at appstore.

Facebook Comments