GCQ sa NCR Plus bubble, maaaring ibaba na ayon sa OCTA

Maaaring ibaba ng pamahalaan sa General Community Quarantine (GCQ) mula sa kasalukuyang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang restriction sa National Capital Region Plus bubble.

Sa interview ng RMN Manila kay OCTA Research Team Fellow Dr. Guido David, unti-unti nang bumubuti at nagkakaroon ng epekto ang quarantine restriction sa Metro Manila at apat na karatig lalawigan.

Ayon kay David, ngayong araw ay nasa 0.99 na lang ang reproduction number ng COVID-19 kung saan nakapagtala sila ng negative 11-percent na growth rate ng virus sa NCR Plus.


Pero binigyang-diin ni David na mataas pa rin ang bilang ng kaso ng COVID-19 kaya kung magluluwag ng restriction ang pamahalaan ay dapat itong i-recalibrate at panatilihin pa rin ang mga localize lockdown.

Facebook Comments