Past at present ni Ellen Adarna na sina John Lloyd Cruz at Derek Ramsay, nagkausap na!

Kinumpirma ni Derek Ramsay na nagkausap na sila ni John Lloyd Cruz, ang dating boyfriend ng kaniyang fiancée na si Ellen Adarna.

Say ni Derek, ito ay nangyari ng dumaan sa kaniyang tahanan sa Alabang si John Lloyd upang sunduin ang anak nito kay Ellen na si Elias.

Ayon pa sa aktor, wala naman silang iringan sa kabila ng relasyon nito kay Ellen.


Sa katunayan pa nga raw ay binati siya ni John Lloyd sa kanilang engagement ni Ellen nang minsang sunduin si Elias.

Taong 2017 ng naging magkarelasyon sina Ellen at John Lloyd habang nitong lamang Marso inanunsyo ni Derek ang engagement nila ni Ellen, higit isang buwan matapos aminin ang kanilang relasyon sa publiko.

Facebook Comments