“GCTA for sale”, pai-imbestigahan ni Justice Sec. Guevarra

Paiimbestigahan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang nabunyag na “GCTA for sale.”

Ayon kay Guevarra, bago pa niya iutos ang review sa GCTA guidelines, nais na niyang magpatawag ng inquiry kung ano ang nangyayari sa Bureau of Corrections kaugnay ng GCTA o Good Conduct Time Allowance Law.

Sinabi ni Guevarra na Bagama’t wala pa siyang hawak na mga “facts,” malaki aniya ang posibilidad na nangyayari ang bentahan ng GCTA.


Samantala, inihayag ni Guevarra na sana ay mula sa labas ng  Bureau of Corrections ang hihirangin ni Pangulong Duterte na kapalit ni dating BuCor Director Nicanor Faeldon.

Facebook Comments