GCTA investigation, maaaring buksan muli ng Senado sa harap ng napipintong pagpapalaya kay Pemberton

Sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na maaaring buksan muli ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon ukol sa umano’y pag-abuso sa Good Conduct Time Allowance o GCTA.

Pahayag ito ni Sotto, sa harap ng napipintong paglaya ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na nahatulang guilty sa pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude.

Binanggit ni Sotto na hindi pa naisasara ang kanilang pagdinig ukol sa diumano’y suhulan at palakasan sa GCTA para maagang makalaya ang mga sentensyado.


Sinabi naman ni Senator Panfilo “Ping” Lacson, dahil Pilipino ang biktima at dayuhan ang na-convict ay sasama talaga ang loob natin sa nangyari.

Kinuwestyon naman ni Senator Risa Hontiveros ang timeline ng nakatakdang pagpapalaya kay Pemberton lalo’t nito lamang June o sa gitna ng pandemya naghain ang kampo ni Pemberton ng Motion for Computation ng GCTA.

Diin ni Hontiveros, napakabilis namang aksyunan ang kaso ni Pemberton kumpara sa apela ng mga Pilipinong nagdurusa sa ating Justice System.

Facebook Comments