Iba’t ibang ilegal na droga, nakumpiska ng PDEA at PNP sa bahay ng isang Swiss national sa Parañaque City

Nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) Parañaque ang iba’t ibang klase ng ilegal na droga sa bahay ng isang Swiss national sa Parañaque City.

Ang bahay na sinalakay sa 14 F Guerrero St., NSHA Village, BF Homes ay pag-aari ng Swiss national na si Thomas Fritz Stucki.

Nakumpiska ng mga otoridad ang 200 piraso ng ecstacy tablets, 1,000 na piraso ng Kush, dried marijuana, marijuana oil, at mga suspected cocaine at dalawang baril.


Inaalam pa ng PDEA ang estimated value ng mga nakumpiskang droga.

Facebook Comments