Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba ang gross domestic product (GDP) ng Pilipinas para sa ikalawang bahagi ng 2023.
Ayon kay Usec. Dennis Mapa, ng National Statistician at Civil Registrar General naitala sa 4.3 Percent ang 2nd Quarter GDP.
Paliwanag ni Mapa, mababa ito sa 7.5 percent na naitala noong katulad na panahon noong nakalipas na taon kung saan mas mababa rin ito sa first quarter GDP na naitala sa 6.4 percent.
Kabilang umano sa mga sektor na nakaapekto sa galaw ng GDP ay ang agriculture, forestry at fishing industry and services.
Facebook Comments