Bureau of Plant Industry, muling nakakumpiska ng mga prutas na walang sertipikasyon dala ng pasahero mula Vietnam

Muling nakakumpiska ang Bureau of Plant Industry o BPI sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng iba’t ibang klase ng prutas dala ng pasahero mula Vietnam.

Sa impormasyon mula sa BPI, sa NAIA ay sakay ang pasahero ng PAL flight PR 596 na lumapag sa NAIA Terminal 1 dala ang 0.5 kg pomegranate, 1.5 kgs ng longgan, at 0.5 kg ng rambutan.

Bagama’t ang mga naturang produkto ay kakaunti lamang ay kinumpiska parin ng BPI dahil sa walang maipakitang certificate ang pasahero.


Matatandaan na mahigpit pa rin na ipinatutupad sa NAIA ang pagbabawal na makapasok ang mga naturang produkto mula sa ibang bansa.

Facebook Comments