Sinuri ng Chairman ng Committee on Appropriations and Ways and Means ng Sangguniang Bayan ng Mangaldan ang inihahin na Gender and Development Plan and Budget ng bayan para sa taong 2024.
Ayon sa Municipal Planning and Development Officer, noong taong 2022, nasa higit siyam na milyong piso o P9,537,056.60 lamang umano ang nagastos at na-utilize ng kanilang bayan.
Ito nakabawas sa kabuuang budget ng bayan na P455,461,766.00 kung saan ang sobra naman nito ay napunta sa kanilang General Fund.
Ngayon, para naman sa taong 2024, sinusuring mabuti ang dagdag na budget para sa Mental Health Care System sa naturang bayan kung saan ay nasa panukala na rin umano ito sa ipinasang ordinansa sa bayan ni Councilor Aldrin Soriano at tinukoy na ang budget ay kukunin sa GAD. |ifmnews
Facebook Comments