IKATLONG BATCH NA KABILANG SA SCHOLARSHIP PROGRAM SA DAGUPAN CITY, NAIPAMAHAGI NA

Nakatanggap kahapon, March 20, 2023, araw ng Lunes ang ikatlong Batch ng mga scholars na napabilang sa Scholarship Program ng Dagupan City pagkatapos ng patuloy pa ring pagberipika at pagvalidate pa ng mga potensyal na mga estudyante.
Nasa 214 ang bilang ng inaasahang tatanggap ng scholarship grants na nagkakahalaga ng P20, 500 alas kwarto kahapon sa CSI Stadia. Kailangan munang iclaim ng mga may pangalan sa listahan ng qualified scholars ang kanilang stub sa City Plaza sa ala-una ng hapon.
Matatandaan na naunang nang nakatanggap ang 781 na mula sa first batch at 264 na mula naman sa second batch.

Samantala, nagpapatuloy parin ang pagproseso at pagsusuri ng mga requirements na ipinasa ng mga nagbabakasakaling maging scholars ng lungsod. |ifmnews
Facebook Comments