Tiniyak ni PNP-HPG Director BGen. Eliseo DC Cruz na naitataguyod sa hanay ng PNP Highway Patrol Group ang Gender Equality.
Ginawa ni BGen. Cruz ang pahayag makaraang iprisinta sa media ngayong umaga ang unang batch ng mga “lady riders” na idedeploy sa EDSA para tumulong sa pagmamando ng trapiko.
Patunay aniya ito na kung ano ang kayang gawin ng kanilang mga lalaking riders, ay kaya ding gawin ng mga babaeng tauhan ng HPG.
Sinabi ni BGen. Cruz na maliban sa pagmamando sa trapiko, inaasahan din ang mga lady riders na rumesponde sa mga vehicle related crimes tulad ng highway-Robbery at carnapping.
Samantala ilalabas narin nila sa kalsada ang lahat ng tauhan nilang may ranggong Patrolman at Patrolwoman dahil isa ito sa mandato ng HPG ang pagpapatrolya sa mga highway.
Magiging requirement narin sa HPG na kailangang marunong mag-motor ang lahat ng kanilang mga tauhan at sumailalim sa HPG riding course.