Gender ng 2nd baby nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica, inanunsyo

Ini-reveal na nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica ang gender ng kanilang second baby.

Sa latest vlog ni Kylie, nag-throwback ito ng kanyang motherhood journey sa kanyang unang anak na nagdiwang ng kaarawan nitong linggo kung saan din niya inaming 22 weeks na siyang buntis.

Sa dulo ng video, ini-reveal ang kasarian ni baby number 2 sa pamamagitan ng pagputok sa lobong hawak ni Aljur.


At ang gender… it’s a baby boy!

Super happy naman ang mag-asawa sa panibagong blessing sa kanilang buhay.

Samantala, malapit na ring manganak ang step mom ni Kylie na si Mariel Rodriguez para sa pangalawa rin nilang anak ni Robin Padilla.

Pinangalanan itong Maria Gabriela mula sa pangalan ni Mariel at ng bayaning si Gabriela Silang.

Facebook Comments