General Año bibisita sa Kampilan Division

Bibisita ngayong umaga sa 6th Infantry Division sa Camp Siongco si Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines General Eduardo Año.

Layun ng pagbisita ay upang malaman ang kasalukuyang sitwasyon ng buong AOR ng 6th Infantry Division sa pamamagitan ng pagbibigay ng updates ni 6th ID Commanding General Arnel Dela Vega ayon naman kay 6th ID spokesperson Cpt. Arvin Encinas sa panayam ng RMN DXMY ngayong umaga.

Makakasama ni General Año si Vice Chief of Staff Lieutenant General Glorioso Miranda.


Gagawin ang aktibidad sa Kampilan Ground. (DENNIS ARCON)

Google Pic

Facebook Comments