Bilang ng mga mahistradong tetestigo laban kay Chief Justice Sereno, madadagdagan pa

Manila, Philippines – Madadagdagan pa ang bilang ng mga mahistradong tetestigo sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa panayam sa Korte Suprema kay Atty. Larry Gadon , sinabi nito ba bukod sa anim na justices, may iba pang mga mahistrado ang tetestigo laban kay Sereno.

May ilan din aniyang mga retiradong mahistrado ng Kataas taasang Hukuman ang nagpahayag ng interes na tumestigo laban sa Punong mahistrado.


Kinumpirma rin ni Gadon na may kukunin pa siyang labing-isang set ng mga dokumento sa Supreme Court na gagamitin bilang dagdag na mga ebidensya.

Bukas, sisimulan na ng House Committee on Justice ang deliberasyon sa impeachment complaint laban kay Sereno kung saan dito matutukoy kung ang reklamo ay may sapat na porma at sustansya.

Facebook Comments