General Archie Gamboa, ipinauubaya sa Pangulo ang desisyon kung palalawigin ang kaniyang posisyon bilang PNP Chief

Ipinauubaya ni General Archie Francisco Gamboa ang desisyon kay Pangulong Rodrigo Duterte kung mananatili siya sa pwesto pagkatapos ng kaniyang retirement date sa September 2, 2020.

Ito ay matapos ang mga balitang i-eextend bilang Philippine National Police (PNP) Chief si General Gamboa.

Sa isang panayam, sinabi ni Gamboa na bahala na ang Pangulo kung ano ang kaniyang desisyon.


Sa ngayon aniya, magtatrabaho lamang siya hanggang sa araw ng kaniyang retirement date at ‘no comment’ na muna kung sakaling palawigin ang kaniyang pagseserbisyo sa PNP.

No comment din ang PNP Chief nang tanungin kung siya ang susunod na National Bureau of Investigation Director.

Si General Gamboa ay itinalagang PNP Chief noong January 20, 2020 ngunit bago ito, naging PNP Officer in Charge simula October 2019 hanggang January 2020.

Facebook Comments