GENERAL CLEANING | Mahigit 100 bilanggo balik-selda na sa Station 9 ng MPD

28

Manila, Philippines – Matapos ang isinagawang General Cleaning kahapon ng Manila Police District (MPD) Station 9 sa nangyaring pagkamatay ng isang inmate dahil sa skin disease ay balik-selda na ang lahat ng mahigit isang daang inmates.

Una rito naka-lock down kahapon ang naturang istasyon sa may Malate Manila para matiyak na malinis ang mga selda nito.

Matatandaan na inilabas ng mga operatiba ng Station 9 ang mga inmates pero mahigpit naman ang seguridad sa lugar para maiwasan ang pagpuga o pagtakas nito.

Kasabay ng paglilinis ay nag nagsagawa din ng medical check up sa mga inmates kung saan walang nakitang sakit sa mga kakosang babae habang may ilan-ilan namang kosang lalake ang nakitaan ng impeksyon at pigsa.

Papalo sa mahigit isang daan ang inmates sa Station 9 pero 30 lamang ang kapasidad nito.

Matatandaang kahapon ay isang inmate ang namatay sa Manila City Jail dahil sa skin disease at ang naturang inmate ay ilang araw palang namamalagi sa City Jail at ito ay nagmula sa MPD Station 9.

Facebook Comments