SUPPORTIVE | 3 senador, kumpirmadong manonood ng laban ni Sen. Pacquiao at Matthysse

1115

Manila, Philippines – Lilipad sa Malaysia sina Senate President Vicente Sotto III, Senate President Pro Tempore Ralph Recto at Senator JV Ejercito.

Ito ay para personal na saksihan ang laban ni Senator Manny Pacquiao kay Lucas Matthysse ngayong Linggo.

Sabi ni Sotto, manonood siya para mag bigay ng moral support kay Senator Pacquiao.

Plano naman ni Senator Recto na dumiretso sa Singapore para magpa-checkup pagkatapos manood ng laban ni Pacman.

Hindi naman makakasama si Senator Sonny Angara kaya ipinaabot na lang niya ang hangarin na maging mahusay at matagumpay ang laban ng Pambansang Kamao.

Facebook Comments