General Community Quarantine status, Nakataas pa rin sa Santiago City

Cauayan City, Isabela- Nananatili sa quarantine status na General Community Quarantine (GCQ) ang Santiago City habang Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang buong lalawigan ng Isabela.

Ito ay makaraang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa bagong klasipikasyon ng community quarantine status sa ilang piling probinsya simula Enero 1-31, 2021.

Habang mananatili rin sa status na GCQ ang National Capital Region, bayan ng Pateros, Batangas sa Luzon, Tacloban City sa Visayas at Iligan City, Lanao del Sur, Davao City, Davao del Norte sa Mindanao habang ang natitirang bahagi ng bansa ay MGCQ.


Mananatili naman sa MGCQ status ang natitirang bahagi ng bansa.

Sa kabila nito, inaataasan pa rin ang lahat ng Local Government Unit (LGUs) na tiyaking nasusunod pa rin ang health protocol sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Sa ngayon ay mayroong 29 ang aktibong kaso ng COVID-19 ang lungsod.

Facebook Comments