Surigao del Norte – Naramdaman ang pagyanig sa ilang lugar sa Visayas Region matapos ang magnitude 5.5 earthquake na tumama kaninang Alas-6:21 ng umaga sa General Luna sa Surigao del Norte.
Natunton ang sentro ng lindol sa layong 42 km sa Hilagang Silangan ng General Luna na may lalim na 44 kilometro.
Ayon sa PHIVOLCS, Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at naramdaman ang intensity 1 sa Cebu City, Gingoog at Misamis Oriental
Nilinaw ng PHIVOLCS na ang pagyanig ay isang aftershock sa naunang magnitude 5.9 earthquake na nangyari noong Pebrero 8 2019
Wala namang nangyaring pinsala sa pinakabagong pagyanig kanina.
Mula ang pagyanig kaninang alas 6: 21, umabot na sa 12 ang naitalang mahihinang aftershock hanggang alas 7:24 ngayong umaga.
Facebook Comments