General Manager NELSON LALAS ng CASURECO 2, Parang HARI, Gusto Laging Pagsilbihan – Dir. Jun Cornelio

Napupundi na si Director Jun Cornelio sa ipinapakitang pagbabalewala ni CASURECO 2 PS-Acting General Manager Nelson Lalas sa mga opisyal at mga consumedores nito.
Ayon sa pahayag ni Cornelio sa programang DOBLE PASADA ng DWNX kanina, nahihinaan siya sa pakikiiba ni Lalas sa mga opisyal at myembro ng CASURECO 2. Idinagdag pa niya na kahit ang kanyang mga text messages na may connection sa CASURECO 2 ay hindi man lamang iniinyindi at sinasagot ni Lalas. May mga pagkakataon din umano na kapag may mga meeting, kinakailangan pa itong pasadyaan sa kanyang opisina kahit na alam na niya ito. Si LALAS ay parang HARI na gusto na lamang laging pagsilbihan, pagsasalarawan pa ni Cornelio.
Sa pagbalktanaw ni Cornelio, pagkatapos na irikomenda nila na ipagpatuloy ni LALAS ang kanyang tungkulin sa CASURECO 2, bigla umanong nag-iba ang ugali nito… ngising-aso kumbaga, dagdag pa ng dismayadong direktor.
Karugtong ng kanyang pahayag sa DWNX, sinabi ni Cornelio na mas mabuting pang ideklara ng Naga City LGU at ng iba pang sakop na LGUs sa Camarines Sur na PERSONA NON-GRATA si Mr. NELSON LALAS, kagaya ng dating tagapamahala din ng kooperatiba, dahil sa patuloy nitong pagbabalewala sa mga hinaing ng mga consumers tungkol sa mga isyu na may kaugnayan sa serbisyo ng CASURECO 2.

Facebook Comments