JaDine fans suportado si Antoinette Jadaone na ituloy ang pelikula ng JaDine

Umaapela ang Jadine fans sa direktor na si Antoinette Jadaone na huwag sumuko sa pelikula na gagawin ng kanilang idolo na sina James Reid at Nadine Lustre.
Una kasing inihayag ng direktor ang pagkalungkot nito matapos na makansela noong sabado ang shooting ng pelikulang Never Not Love You na siyang unang pelikula ng Jadine ngayong 2018.
Isa raw ito sa dream projects ni Direk Jadaone at ipinagdasal pa raw niya ito.
Kaya naman naiyak raw ang direktor sa palagiang pagkakadelay ng shooting ng nasabing pelikula.
Dagdag pa nito na sayang raw ang momentum ngunit umaasa si Jadaone na mapanitili niya ang kanyang excitement sa naantalang proyekto.
Hindi naman malinaw ang dahilan ng pagkapack up ng shooting.
Bumuhos naman ang apela ng Jadine fans na huwag bumitaw ang direktor dahil willing silang maghintay at excited na rin sa pelikula ng kanilang idolo.

Facebook Comments