General Manager ng Pinoy Lingap-Damayan Multipurpose Cooperative sa Catanduanes, Bicol, nagpasalamat sa Landbank dahil sa tulong nito sa kanilang grupo

Itinuturing na pinakamalaking kooperatiba sa probinsya ng Catanduanes at Bicol Region ang Pinoy Lingap-Damayan Multipurpose Cooperative (PLDC) na dati ay tinatawag na People’s Livelihood Development Cooperative.

Layon ng PLDC na matulungan ang mga maliliit na grupo ng mga Catandunganons na nag-resign sa kanilang mga trabaho sa rural bank sampung taon na ang nakalilipas.

Ang PLDC na umiikot sa microfinancing, trading at paggawa ng abaca na nabuo dahil sa dalawampu’t dalawang rural bank workers na nais tumulong sa kanilang komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho.


Ayon kay Antonio Jimenez Jr., General Manager ng PLDC, taong 2011 ng tulungan sila ng Land Bank of the Philippines (LANDBANK) at nagtuloy-tuloy na sa kanilang mga miyembro.

Kaya sa loob ng 10 taon na pag-iikot sa mga barangay para bumili at magbatak ng abaka, umabot na sa 4,260 abaca farmers at kanilang natulungan at daan-daan ding mga local.

Labis naman ang pasasalamat ni Jimenez sa Landbank dahil sa ibinigay nitong tiwala dahil kung hindi ay nakakaranas pa rin sila ng problema sa usaping pinansiyal.

Facebook Comments